- Akala ko may totoong tao sa loob ng TV. Alam mo yung butas sa gilid? Sinilip ko yun, hindi naman pala tao yung laman, picture tube pala 'yon.
- Akala ko lumiliit ng kusa ang mga damit. Hindi ko naisip na ako yung lumalaki. Nagfifreak out pa ko lagi pag napapansin kong maliit na ang damit ko tapos sasabihin kay Mommy "Ma! Lumiit na naman yung damit ko!"
- Akala ko nangyayari sa totoong buhay yung mga action movies. Nagtataka pa ko kung bakit hindi hinuhuli ng mga pulis yung mga bad guys.
- Akala ko totoong ibabalik ni Mommy ang bubble gum na nilalaro ko sa bibig dun sa tindahan.
- Akala ko yung dulo ng ice cream cone na itinitinda ng sorbeterong si Mang Pete ay may kulangot.
- Akala ko nag-uusap yung mga laruan ko pag hindi ko sila nakikita. Nagsimula 'tong akalang 'to nang manuod ako ng Toy Story.
- Akala ko maayos ko ang nagsastuck na VCD pag hinipan ko.
- Akala ko porket masaya ako sa pagsuswimming, ilalagay ko na syang sa slumbook bilang Favorite Sports, ahit hindi naman talaga ako marunong lumangoy.
- Akala ko kung mas malaki yung TV screen, mas maraming scenes ang makikita.
- Akala ko pag tumatakbo ako, hinahabol ako ng moon.
- Akala ko pag nawala sa grocery store, maliligaw na ako habang buhay doon.
- Akala ko cute ako pag nagsuot ako ng headband na may buhok na fake sa dulo.
Mga akala nga naman oh. Pero sabi nila, nakakamatay raw ang akala, ang sabi ko "Hindi rin".
2 comments:
Omg! Akala ko may no account no comment rule dito. Haha
"Ma! Lumiit na naman yung damit ko!" ;))
Post a Comment