Sunday, January 20, 2013

Post title

Magandang araw! Kamusta? Ako? Wala naman. Naisipan ko lang maggawa ng blog post, wala wala namang dahilan. Ikaw, bakit ka nasa blog ko? Hmm, marahil (wow marahil haha) kaibigan kita, kamag-anak, kakilala na may alam ng mspoopypants.blogspot.com, o baka naman stalker kita? Hindi naman siguro no, malabong mangyari yon. Or is it? Hmm. Tungkol saan nga ba talaga 'tong post na 'to? Ewan ko din, gusto ko lang sigurong magpalipas-oras kasi hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan yung proposal ko para sa Dev Comm, at kesa manuod ako ng mga taong nag-sasasayaw at nag-vi Viva Sto. Nino sa labas, magtatayp na lang ako ng walang patutunguhan na blog post. Di ba?

May nakapagsabi sa 'kin na mahusay daw ako sa pagkukwento ng detail per detail sa pagsusulat, minsan din sa aktwal na pakikipag-usap (siguro pag gusto talaga kita kausap). Hindi ko alam kung totoo nga 'yon, pero kung totoo nga, yay me! Sinubukan kong pumasok sa publication sa university namin, it turns out, hindi pala para sa 'kin yon. Ako na rin mismo yung umayaw, ewan ko ba. Nandun yung pakiramdam na I want this badly tapos biglang ay di pala 'to para sa 'kin, hindi ako masaya. Gusto ko magsulat, pero ayaw ko yung dinidikatahan ako kung ano o paano ako susulat. Lately, hindi na rin ako nakakapagsulat ng madalas. Sabi ko nga sa kaibigan ko, "Sinisipag lang ako magsulat pag in lab ako." Yak di ba? Pero lingid sa kaalaman ko na ang kaibigan ko na nakakabasa ng lahat ng posts ko sa blog na 'to ay nabigyan ko ng kakaibang notion. 

Engineering sya, Com Arts ako. Athletic sya, athlete in my dreams ako. Photographer sya, photogenic ako (chos). Wala kaming gaanong "in common", nagkakasundo lang kami sa usapang you know, fag-ivig. Nagulat na lang ako isang Sabado, nalaman kong staff sya sa official publication nila sa school, kaya naman nag-pursigi din ako na makapasok sa official publication ng aming school. Ang saya, now we can talk about other stuff besides fag-ivig! Chief photojournalist na sya at nanalo na sya sa regionals and all. Nagsimula na din sya magsulat ng mga tula. Nakakatuwa at nakakaluhang isipin na na-impluwensyahan ko raw syang magsulat. Dahil sa mga "uuh I'm so in love" at "huhu I'm so unloved" posts ko dito, nagsimula nyang tahakin ang landas ng pagsulat. Pangarap kong makita ang pangalan ko sa byline ng dyaryo, natupad na 'yon. Hindi ko man natupad ang pangarap kong maging editor, natupad na 'yon ng matalik kong kaibigan. Ngayon, hindi lang sya chief photojournalist at literary writer, isa na rin syang Features editor!!! I couldn't be happier for you, bbf! Nang dahil sa blog na 'to, naging ganyan ka. Sorry na ha.

xoxo,
Ms. Poopy Pants

No comments: