Tuesday, July 17, 2012

Bubog

      Physical, mental and emotional wounds that never heal. These are wounds that will remain wounds forever. And as you age, it becomes deeper and stronger. It becomes part of your identity as a person like a scar in the cheek and birthmark in the ear. 
      Ang bubog sa buhay mo ang magsisilbing pilat na hinding hindi na mabubura ng kahit na ano pang sebo de macho. Magiging basehan na ng buhay mo ang bubog na iyong natamo. Maaring ito'y makakabuti o kaya nama'y tuluyang makasama habang tinatahak mo ang mundo ng buhay. Nakasalalay sa mga taong nasa paligid mo ang pagtrato mo sa mga bubog na ito. Marahil nakatamo ka ng bubog dahil nabulywan ka ng nanay mo sa kadahilanang hindi ka nakapaghugas ng pinggan o di kaya nama'y hindi pinansin ng iyong propesor ang pinagpuyatan mong nobela. Maraming pwedeng maging sanhi ng bubog, mapa-malaking bagay man ito o maliit na rason na nakapagpabago ng buhay mo. Habang binabasa mo ang lathalang ito, alam kong may nasa sa isip kan nang itinuturing mong bubog sa buhay mo. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano ang naidulot sa'yo nitong bubog na 'to? Sino at ano ang naging sanhi nito? Masasabi mo bang "Salamat sa bubog na 'to bla bla bla.." o baka naman "Lecheng bubog ka! Sinira mo ang bla bla bla.." Alin sa dalawang katagang ito ang nasabi mo? Bubog. Isang salita, milyun-milyon ang maaring mahita.

Composition inspired by our Scriptwriting class

No comments: