Parang kailan lang no? Hindi na talaga natin namamalayan ang pagtakbo ng panahon. Parang kailan lang, tayo yung mga bata na naglalaro o kumakain ng cookies na binibigay ng mga Mommy natin habang nakaupo sa nilatag na pink na sheet. Yung mga panahon pa na malolobong bistida at may lace na medyas yung suot natin tuwing worship service. Natatandaan mo pa nung una tayong tumira sa Guesthouse 3 sa Teacher's Camp? Sa sobrang paglundag natin, nabasag yung light bulb sa kwarto sa baba. Yung pagsasagot natin ng activities tuwing Sunday school, yung monthly performance natin sa service (i.e, Let The Rain, Shine Jesus Shine, The Sawyer), yung pagsasalok natin ng juice from one baso to another at walang keber kung malinis man ang kamay natin o hindi, yung pakikinig mo sa mga kwento ng puppy love ko sa DVBS.. natatandaan mo pa? Nung medyo lumaki na tayo, ibang usapan naman. Crush and infatuation eklavu ang usapan tuwing nasa harapan ng lababo at naghuhugas ng masesebong pinggan dulot ng spaghetti ni Mamang. Unang major puyat ko na ikaw ang kasama dahil sa isang revelation na na-unfold. At ang traditional na photo op with horses from Wright Park. Ang dami dami dami dami nating alaala na magkasama. Bestfriends since birth kumbaga. I've known you since you had that puffy headband hairdo and you've known me since I had that gitna-hating hairdo. Nasaksihan natin ang pagtubo ng pimples ng bawat isa. Parating nagkakamalang magpinsan o magkapatid. Paano ba naman, palagi ikaw ang kasama! Naalala mo pa ang mga katagang "Hindi ako sasama, pag di ka sasama!" Sikat yan nung pilitan blues bago mag-SEP'06. Nagdaan ang SEP'06 hanggang SEP'11, hindi pa rin tayo nagiging magkadorm. What are the odds? Sabay din tayong nag-exam sa dalawang universities, UP and DLSU-D. Akala ko magiging schoolmate na kita, tss hindi pala.
Now that you're celebrating your age of legality, I just want you to know that even if we would no longer ride horses in Wright Park for we might outgrow our tradition, I will always always be here for you being the best dishwashing buddy you could ever have.
Happy 18th, LADY ARVIE!!!
BBF until the end of time <3